14℃
Beijing

Tsina at Laos: palalawakin ang kooperasyon, pabubutihin ang kabuhayan

2020-10-15 16:05:46  CMG
Share with:

 

Tsina at Laos: palalawakin ang kooperasyon, pabubutihin ang kabuhayan_fororder_pangulolaos

Sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos

Tsina at Laos: palalawakin ang kooperasyon, pabubutihin ang kabuhayan_fororder_pmlaos

Sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Punong Ministrong Thongloun Sisoulith ng Laos

 

Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo, Oktubre 14, 2020 nina Boungnang Vorachith, Pangulo ng Laos, at Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Sa mga pagtatagpo, sinabi ni Wang na, batay sa pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos, ipagkakaloob ng Tsina ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Laos, sa sandaling paisapinal ito.

 

Bukod dito, pabibilisin din aniya ang konstruksyon ng China-Laos Economic Corridor, pasusulungin ang kooperasyon sa framework ng “Belt and Road Initiative (BRI),” at palalawakin ang kalakalan at pamumuhunan sa isa’t isa, para tulungan ang Laos sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan.

 

Ipinahayag naman ni Boungnang Vorachith na magsisikap ang Laos, kasama ng Tsina, para pasulungin ang walang humpay na pagtatamo ng bagong progreso ng mga umiiral na kooperasyon, at aktibong palalawakin ang mga bagong kooperasyon, para lalo pang payamanin ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.

 

Samantala, ipinahayag ni Thongloun Sisoulith na mayroong lubos na paniniwala ang Laos sa Tsina sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

 

Nananalig aniya siyang tiyak na magiging pamantayan ng daigdig ang paglaban ng Tsina sa COVID-19, at ito ay magiging pinakamahalagang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Koment( Komento)

Please select the login method
久久热免费视频_久久热国产在线视频 <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <文本链> <文本链> <文本链> <文本链> <文本链> <文本链>