14℃
Beijing

Tsina, nagpahayag ng pakikiramay sa mga Pilipinong apektado ng bagyong Ulysses: Php22 milyong tulong, ipagkakaloob

2020-11-23 19:40:02  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Lunes, Nobyembre 23, 2020, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina kay Kalihim Teodoro Locsin Jr. ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) kaugnay ng pananalasa ni bagyong Ulysses (international name Vamco) sa Pilipinas.

 

Ipinahayag ni Wang, na maraming kasuwalti at kapinsalaan sa mga ari-arian ang idinulot ng bagyong Ulysses,  at ipinaaabot niya  ang pakikiramay sa mga nasawi at pakikidalamhati sa mga kamag-anakan, mga nasugatan, at mga apektadong mamamayang Pilipino.

 

Nakahanda aniya ang pamahalaang Tsino na magbigay ng tulong sa abot ng makakaya.

 

Naniniwala si Wang, na sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang Pilipino, at patnubay ni Pangulong Rodrigo Duterte, malalampasan ng sambayanang Pilipino ang kalamidad at muling maitatayo ang mga tahanan sa lalong madaling panahon.

 

Matatandaang ipinahayag ng pamahalaang Tsino nitong nagdaang Biyernes, Nobyembre 20 na magkakaloob ito ng PHP22 milyon (tatlong milyong RMB) para suportahan ang pagsisikap ng pamahalaang Pilipino upang tulungan ang mga apektado ng bagyong Ulysses.

 

Samanatala, noong unang dako ng Nobyembre, nauna nang nagbigay ang pamahalaang Tsino ng mga kagamitang panaklolo na nagkakahalaga ng PHP7.3 milyon (isang milyong RMB) para tulungan ang mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Rolly.

 

Salin/Edit: Jade

Pulido: Rhio

 

Koment( Komento)

Please select the login method
久久热免费视频_久久热国产在线视频 <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <蜘蛛词>| <文本链> <文本链> <文本链> <文本链> <文本链> <文本链>